Mga Benepisyo

Anu-ano ang matatanggap ng mga magbabalik-loob sa pamahalaan?

Base sa kanilang indibidwal na pangangailangan, ang mga sumusunod ang maaring matatanggap ng mga magbabalikloob sa pamahalaan*: 

  • Immediate Assistance – Php 15,000.00 
  • Firearm Remuneration – Ang halaga ay nakabatay sa kondisyon ng armas o mga armas na isusuko sa pamahalaan. 
  • Livelihood Assistance – Php 50,000.00 
  • Serbisyo ng Gobyerno – Pagpapatala sa census, pagkakaroon ng mga government-issued IDs, pagkuha ng birth certificate, at iba pa. 
  • Serbisyong Pangkalusugan – Libreng serbisyong pangkalusugan mula sa mga ospital o pagamutan ng Kagawaran ng Kalusugan o Department of Health mula konsultasyon sa mga espesyalistang doktor, diagnostic at laboratory procedures, gamot, at iba pa. 
  • Pabahay – ang mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF na kuwalipikado ay maaring mabigyan ng pabahay sa tulong ng National Housing Authority. 
  • Modified Conditional Cash Transfer – Ang mga magbabalik-loob sa pamahalaan ay maaring pagkalooban buwanang tulong sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan o Department of Social Welfare and Development na kasalukuyang iniaakma kanilang mga pangangailangan. 
  • Tulong Pangkabuhayan o Tulong para magkatrabaho – Ito ay tulong mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan na maaring gamit pangkabuhayan o pang-negosyo, o pagbibigay ng referral sa mga tanggapan ng gobyerno o pribadong ahensiya / kumpanya, at iba pang tulong sa mga dating rebelde na nais magkaroon ng permanenteng trabaho. 
  • Pautang at Market Access – Sa tulong ng mga ahensiyang nagkakaloob ng pautang sa abot-kayang interes, maaaring makautang ang mga FRs nang hindi kailangan ng kolateral. Ang halagang inutang ay maaaring gawing puhunan para sa mga nagnanais palaguin ang kanilang kabuhayan, o karagdagang pantustos sa kanilang pangangailangan. Sila ay tutulungan rin ng ilang ahensya ng pamahalaan upang mailapit ang kanilang mga produkto sa mga mamimili. 
  • Tulong Panlegal – Ang mga FRs na may kinakaharap na kaso ay tutulungan ng pamahalaan sa pamamagitan libreng serbisyo ng mga abogado nito mula sa Kagawaran ng Katarungan (Department of Justice). Ang pagkakaroon ng kaso ay hindi hadlang upang matanggap nila ang mga benepisyong nakalaan para sa kanila at kanilang mga pamilya sa ilalim ng E-CLIP. 
  • Alternative Learning System – Para sa mga nagbalik-loob na nais mag-aral o ituloy ang kanilang naantalang pag‐aaral, ang programang Alternative Learning System ng Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education ang para sa kanila. Sa pamamagitan nito, sila ay mabibigyan ng katumbas na sertipikasyon ng pagtatapos sa edukasyong elementarya at sekondarya (high school)
  • Tulong Sikososyal (Psychosocial Assistance) – Isa sa pinakamahalaga at agarang tulong para sa mga nagbalikloob sa pamahalaan ay ang karampatang tulong sikososyal (psyschosocial assistance) upang tulungan silang makalimot at makabangon sa kanilang masalimuot na karanasan nang sila ay kasapi pa ng CPP-NPA-NDF.
  • Conditional Transitional Grant – Ito ay karagdagang tulong sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan na kanilang matatanggap isang taon matapos silang pormal na mapabilang sa E-CLIP. Ito ay ipagkakaloob sa kanila sa loob ng dalawang taon. 
  • Pangmatrikula at Panggastos sa Kolehiyo (College Tuition and Stipend– Ito ay tulong para sa isang anak o asawa ng mga dating rebelde upang sila ay makapagtapos sa kolehiyo. Sila rin ay bibigyan panggastos habang nag-aaral. 
  • Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) Projects – Ang mga proyektong ito ng Office for the Presidential Adviser on Peace Process (OPAPP) ay naglalayong magtayo ng mga pasilidad at imprastruktura sa mga pamayanan kung saan naninirahan ang mga nagbalik-loob sa pamahalaan. Sa proyektong ito, hindi lamang ang mga dating rebelde o kanilang pamilya ang makikinabang kundi pati na rin ang kanilang buong komunidad. 
  • Iba pang mga Tulong – Sa inisyatibo ng mga pamahalaang lokal, maari ring magkaloob ng iba’t-ibang uri ng tulong para sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan, maliban pa sa benepisyong mula sa pambansang pamahalaan. 

*Alinsunod sa Implementing Rules and Regulations, ang mga Militia ng Bayan ay maari lamang tumanggap ng Immediate Assistance, Reintegration Assistance, at Firearms Remuneration. 


Kung ang mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF ay nagbalik-loob bago pa ang ika-3 ng Abril 2018, makatatanggap pa ba sila ng benepisyo? 

Ang mga nagbalik-loob simula noong ika-01 ng Hulyo 2016 ay maari pa ring makatanggap ng mga benepisyo sa ilalim ng E-CLIP ngunit hindi na nila matatanggap ulit ang mga benepisyong naibigay na sa kanila. Kung nakatanggap na sila ng Immediate Assistance, Firearms Remuneration, at Livelihood Assistance, hindi sila kwalipikadong tumanggap pa ulit ng mga ito. 



TFBL Hotlines
Globe:
  • 0927 837 5773
  • Smart:
  • 0921 318 6832
  • Landline:
  • (632) 982-5647
  • (632) 982-5679
  • (632) 982-5682
  • Social Media Accounts
               
    Subscribe!
    Subscribe now and receive latest news in your email.
    Name:
    Email:
    Visitors
    28452