Ang E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong tulungan ang ating mga kapatid na kasapi ng CPP-NPA-NDF at Militia ng Bayan na nais magbalik-loob sa pamahalaan at pamayanan, upang makapiling muli ang kanilang mga pamilya.
Sa pamamagitan nito, sila ay mabibigyan ng mga iba’t-ibang tulong, kaalaman, at kasanayan na kanilang magagamit sa pagbabagong buhay. Ang tulong na ito ng pamahalaan hindi lamang sa kanila kung pati na rin sa kanilang pamilya at komunidad.
Para kanino ang E-CLIP? Ayon sa Administrative Order No. 10 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika-3 ng Abril 2018, at sa Implementing Rules and Regulations ng nasabing kautusan, ang ECLIP ay para sa mga nagbalik-loob simula noong ika-3 ng Abril 2018, kabilang ang mga sumusunod: