Ka Wendy
" Noong nakaraang January 15, 2018, ating nasaksihan ang pagbabalik-loob nina Ka Efren and Ka Wendy sa tulong ng 27th Infantry Battalion at ni Gov. Daisy Avance-Fuentes ng South Cotabato. Malaking bahagi ang ginampanan ng lokal na pamahalaan ng S.Cotabato upang bigyang daan ang pagbaba ng dalawang mag-asawa mula sa kabundokan.
Lingid sa kaalaman ng nakararami, ikiniwento sa amin nina Ka Efren at Ka Wendy na ang isa sa pinaka-rason kung bakit sila tuluyang umalis sa pagrerebelde ay dahil sa kanilang 17-year old na anak. Ninais nilang mamuhay ng kompleto, mapayapa, at malayo sa karahasan kaya't minarapat nilang umalis na sa hukbo at sumuko na lamang sa pamahalaan.
Dahil sa hakbang nilang ito, ang Pamahalaang Duterte ay taos-pusong nagtataguyod ng mga programa na makakatulong para sa mga nagbabalik-loob na mga rebelde. Sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), sa pangagasiwa ng Task Force Balik-Loob, sila ay nabigyan ng Php450,000 housing assistance bawat isa sa tulong ng National Housing Authority (NHA) bilang panimula para sila ay makapagtayo ng kanilang sariling bahay at makapagtaguyod ng panibagong pamumuhay.
Ito si Ka Wendy at ang kanyang mensahe para kay Pangulong Rodrigo Duterte."